Thursday, October 31, 2013

Santo Patay Na, Bakit Hinihingan Pa ng Tulong?



KALABAN:  Di ba patay na ang mga santo? So, patay na nga di ba? Bakit doon pa kayo humihingi ng tulong?


Hindi dahil patay na sila, eh, hindi na sila pwedeng makipag-usap sa Diyos! Ang mga santo sa langit ay hindi naihiwalay sa pamamagitan ng kamatayan mula sa komunidad ng Simbahan. 


Romano 8: 38-39
“Oo, natitiyak ko na kahit ang kamatayan, kahit ang buhay, kahit ang mga anghel, kahit ang mga prinsipado,kahit ang mga bagay sa kasalukuyan, kahit ang mga darating, , kahit ang mga kapangyarihan, kahit ang lakas, kahit ang kataasan, kahit ang kalaliman, kahit anong nilalang ay hindi makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ng Dios na na kay Kristo Hesus na ating Panginoon.”


Samakatuwid, ang mga santo ay makakapagdasal rin para sa atin. Higit pa nga sila eh, dahil nasa harap sila ng Dios. Ang Mahal na Birhen na hinihingan ng tulong ng mga Katoliko ay mas bigtime kaysa sa kaibigan mo o kaya pastor na hinihingan mo ng dasal sa sekta nyo .


No comments:

Post a Comment