Wednesday, October 30, 2013
Gaano Katanda ang Relihiyon Mo?
Kung ikaw ay isang Lutheran, ang relihiyon mo ay itinatag ni Martin Luther, dating monk ng Simbahang Katoliko, noong 1517.
Kung kasapi ka sa Church of England, ang relihiyon mo ay itinatag ni King Henry VIII noong 1534, dahil ang Santo Papa ay hindi siya pinayagang makipagdeborsyo at magkaroon ng karapatang muling mag-asawa.
Kung ikaw ay Presbyterian, ang relihiyon mo ay itinatag ni John Knox sa Scotland noong 1560.
Kung ikaw ay Congregationalist, ang relihiyon mo ay itinatag ni Robert Brown sa Holland noong 1582.
Kung ikaw ay Baptist, si John Smyth ang nagtatag ng relihiyon mo sa Amsterdam noong 1605.
Kung ikaw naman ay kasapi sa Dutch Reformed church, kinikilala mo si Michaelis Jones bilang founder, dahil itinatag niya ito sa New York noong 1628.
Kung ikaw Protestant Episcopalian, ang relihiyon mo ay galing sa Church of England ni Samuel Seabury sa mga American colonies noong 17th century.
Kung Methodist ka naman, ang relihiyon mo ay itinatag ni John and Charles Wesley sa England sa 1744.
Kung ikaw ay Unitarian, si Theophilus Lindley ang nagtatag ng simbahan mo sa London noong 1774.
Kung ikaw ay kasapi ng Mormon (Latter Day Saints), si Joseph Smith nagtatag ng simbahan ninyo sa Palmyra, N.Y., noong 1829.
Kapag nagdarasal ka naman sa Salvation Army, ang sekta nyo ay nagsimula kay William Booth sa London noong 1865.
Kapag ikaw naman ay Christian Scientist, naniniwala kang noong 1879 ipinanganak ang inyong relihiyon at si Mrs. Mary Baker Eddy ang nagtatag nito.
Kapag ikaw naman ay kasapi sa mga religious organizations na kilala bilang "Church of the Nazarene," "Pentecostal Gospel," "Holiness Church," "Pilgrim Holiness Church," "Jehovah's Witnesses," ang relihiyon mo ay isa lamang sa mga daan-daang nagsulputang mga bagong sekta na naitatag sa nakalipas na isang daang taon.
Kung ikaw naman ay kasapi ng Philippine Independent Church o Aglipay, ang inyong tagapagtatag ay si Gregorio Aglipay noong 1902 na na-excommunicate ng Simbahang Katoliko at naging Freemason noong 1918.
Kung miyembro ka ng Iglesia ni Kristo, kasapi ka sa korporasyon na itinatag ni Felix Manalo noong July 27, 1914 at siya ang inyong executive minister.
Kung kasapi ka naman sa CAMACOP (Christian and Missionary Alliance Churches of the Philippines), ito ay naitala sa Securities and Exchange Commission noong 1947 sa pangunguna ni Rev. Jeremias Dulaca.
Kung kasapi ka sa UCCP (United Church of Christ in the Philippines), ang sekta mo ay resulta ng pagsasama-sama ng Evangelical Church of the Philippines, Philippine Methodist Church, ang Disciples of Christ,a ng United Evangelical Church at iba pang congregation noong May 25, 1948.
Kung kasama ka sa Members Church of God International na namamahala sa programang Ang Dating Daan , ito ay nagsimula doon sa Iglesia ng Dios kay Kristo Hesus, Haligi at Suhay ng Katotohanan (Church of God in Christ Jesus, Pillar and Support of the Truth) na ginawa ni Nicholas Perez noong 1936 na niregister naman ni Eli Soriano sa pangalang Mga Kaanib Iglesia ng Dios kay Kristo Hesus, Haligi at Saligan ng Katotohanan sa Bansang Pilipinas (Members of the Church of God in Christ Jesus, the Pillar and Ground of the Truth in the Philippines) noong 1977; na binago na naman noong January 13, 2004 at pinangalanang Members Church of God International.
Kung ikaw naman ay Roman Catholic, alam mong ang relihiyon mo ay itinatag noong 33 AD ni Jesukristo, ang Anak ng Dios, at ito’y nananatiling nakatayo hanggang sa kasalukuyan…
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

No comments:
Post a Comment