KALABAN: Di ba patay na ang mga santo? So, patay na
nga di ba? Bakit doon pa kayo humihingi ng tulong?
Hindi dahil
patay na sila, eh, hindi na sila pwedeng makipag-usap sa Diyos! Ang mga santo
sa langit ay hindi naihiwalay sa pamamagitan ng kamatayan mula sa komunidad ng
Simbahan.
|
Romano
8: 38-39
|
“Oo,
natitiyak ko na kahit ang kamatayan, kahit ang buhay, kahit ang mga anghel,
kahit ang mga prinsipado,kahit ang mga bagay sa kasalukuyan, kahit ang mga
darating, , kahit ang mga kapangyarihan, kahit ang lakas, kahit ang kataasan,
kahit ang kalaliman, kahit anong nilalang ay hindi makapaghihiwalay sa atin
sa pag-ibig ng Dios na na kay Kristo Hesus na ating Panginoon.”
|
Samakatuwid,
ang mga santo ay makakapagdasal rin para sa atin. Higit pa nga sila eh, dahil
nasa harap sila ng Dios. Ang Mahal na Birhen na hinihingan ng tulong ng mga
Katoliko ay mas bigtime kaysa sa kaibigan mo o kaya pastor na hinihingan mo ng
dasal sa sekta nyo .
